Republic of the Philippines · Department of Agriculture · RFO 5 Bicol
All articles
Registration Caravan

RSBSA Registration Caravan Serves Farmers and Fisherfolk in Magallanes, Sorsogon

March 25, 2026 Magallanes, SorsogonBy Ian S. Undecimo
RSBSA Registration Caravan Serves Farmers and Fisherfolk in Magallanes, Sorsogon

Mahigit 388 na Ka-RSBSA ang natulungan na makapagparehistro at makapag-update ng kanilang RSBSA forms sa caravan sa Magallanes.

Kahapon, ika-25 ng Marso 2026, matagumpay na isinagawa ang RSBSA Registration Caravan sa Magallanes, Sorsogon bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa ating mga magsasaka at mangingisda.

Sa nasabing pagtitipon, naghatid ng iba't ibang serbisyong may kinalaman sa pagpaparehistro at pag-update ng datos ang RSBSA Bicol, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Magallanes. Layunin nitong gawing mas mabilis, maayos, at mas maginhawa ang proseso para sa ating mga Ka-RSBSA, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang tulong sa kanilang mga talaan.

Sa pamamagitan ng caravan na ito, mahigit 388 na Ka-RSBSA ang matagumpay na natulungan upang makapagparehistro at makapag-update ng kani-kanilang RSBSA forms. Ang mga ganitong inisyatiba ay mahalaga upang masiguro na ang bawat benepisyaryo ay maayos na naitatala at nagiging kwalipikado sa mga programa at serbisyong inilaan ng pamahalaan para sa sektor ng agrikultura.

Ipinapakita rin ng aktibidad na ito ang matibay na ugnayan at pagtutulungan ng RSBSA Bicol at ng LGU ng Magallanes sa paghahatid ng episyente at inklusibong serbisyo publiko.

Patuloy ang aming panawagan sa lahat ng mga magsasaka at mangingisda na magparehistro at mag-update ng kanilang impormasyon sa RSBSA upang mas mapalawak pa ang abot ng mga programa at tulong na nararapat para sa inyo.

Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maunlad, matatag, at masaganang sektor ng agrikultura para sa kinabukasan ng bawat Pilipino.