RSBSA Bicol Supports Agri Credit Ugnayan and Credit Program Orientation-Matching

Ginanap ang Agri Credit Ugnayan: 'Credit Program Orientation-Matching' sa Kaplfuerte Sports Complex, pinangunahan ng ACPC kasama ang DA.
Ngayong Agosto 27, 2025, ay ginanap ang Agri Credit Ugnayan: 'Credit Program Orientation-Matching' sa Kaplfuerte Sports Complex, na pinangunahan ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) kasama ang Department of Agriculture at iba pang kaugnay na ahensya.
Layunin ng programa na pagsama-samahin ang mga ahensya ng pamahalaan at financial institutions upang higit na mapalakas ang sektor ng agrikultura at pangingisda. Kabilang dito ang RSBSA Region 5, na nagbigay-tulong sa registration at tumugon sa mga alalahanin ng ating mga Ka-RSBSA.
Ang ganitong kaganapan ay nagsisilbing tulay upang maikonekta ang ating mga magsasaka at mangingisda sa tamang suporta mula credit access at insurance protection hanggang market linkages at business opportunities para sa isang mas matatag at maunlad na kinabukasan.
