Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Leads Agriculture Intervention Activity in Camarines Sur

Naghatid si Secretary Kiko ng iba't ibang agriculture interventions sa Camarines Sur; mahigit 751 Ka-RSBSA mula sa 3rd district ang nakatanggap ng RFFA.
Ngayong Sabado, Agosto 23, 2025, bumisita si Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Lalawigan ng Camarines Sur upang maghatid ng iba't ibang uri ng agriculture interventions at magsagawa ng Ugnayan sa mga magsasaka. Sa nasabing pagtitipon, si Secretary Kiko mismo ang tumugon sa mga katanungan ng ating mga Ka-RSBSA, kasama sina Governor Lray Villafuerte at Department of Agriculture Bicol Regional Executive Director Rodel P. Tornilla.
Kabilang sa mga ipinagkaloob na interbensyon ang RFFA distribution, kung saan mahigit 751 magsasakang Ka-RSBSA mula sa ikatlong distrito ng Camarines Sur ang nakatanggap ng ayuda.
